DOH, pinaghahandaan na ang posibleng pagtaas ng COVID-19 cases ngayong kapaskuhan

96

Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang posibleng post-holiday surge ng COVID-19 cases.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa kanilang inihahanda ang mga medical facilities para sa mga magpo-positibo pagkatapos ng holiday season.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga Local Governmet Units (LGU) at sa iba’t ibang stakeholders para ipagbawal ang pagsasagawa ng mga Christmas parties, mass gatherings at caroling ngayong kapaskuhan para maiwasan ang pagkalat ng virus.


Una nang sinabi ng DOH na kung magkaroon ng salu-salo, dapat ang pamilya na lamang at huwag mag-imbita ng ibang kamag-anak at kapitbahay.

Facebook Comments