DOH, pumangalawa sa may pinakamataas na approval rating mula sa publiko; health Sec. Duque, nakatanggap ng pinakamataas na approval at awareness rankings sa mga Department Secretaries

174
Photo Courtesy: Department of Health

Pumangalawa ang Department of Health (DOH) sa may pinakamataas na approval rating mula sa publiko para sa mga ahensya ng gobyerno na rumeresponde sa COVID-19 ayon sa Pulse Asia survey.

Ito ay matapos makakuha ang DOH ng 76% approval sa isinagawang survey ng Pulse Asia mula Nobyembre 23 hanggang Disyembre 2, 2020.


Kapantay ng DOH ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtugon ng bansa sa pandemya.

Laking pasasalamat naman ng DOH sa publiko sa tiwalang ibinigay sa kanila kahit pa maraming kontrobersiya ang kanilang kalihim na si Francisco Duque III.

Samantala, sa kaparehong ulat din, nakuha ni Duque ang pinakamataas na approval at awareness rankings sa mga Department Secretaries.

Ito ay matapos makapagtala si Duque ng 64% approval rating at awareness rating na 97%.




Pinasalamatan naman ni Duque ang publiko at sinabing ang tagumpay ay dahil sa buong DOH workforce.

Facebook Comments