DOH REGION 1, NAGPAALALA UKOL SA POSIBLENG MAGLIPANANG ILIGAL NA PAGBEBENTA NG MPOX VACCINE ONLINE

Nagpaalala ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 sa publiko laban sa mga indibidwal o grupo na maaaring magbenta umano ng Monkeypox o Mpox vaccine sa pamamagitan ng social media at iba pang online platforms.
Sa panayam ng iFM News Dagupan kay DOH-CHD 1 Spokesperson Dr. Rheuel Bobis, kanyang iginiit na hindi pa umano available sa bansa ang anumang aprubadong Mpox vaccine, kaya’t mariing pinapayuhan ang publiko na huwag basta-basta maniwala at bumili ng mga bakunang ibinebenta online.
Dagdag pa ni Dr. Bobis, ang Mpox ay isang sakit na kayang malunasan gamit ang angkop na gamot gaya ng antibiotics.
Gayunpaman, mas mainam umano ang agarang pagkonsulta sa mga lisensyadong health professionals upang makakuha ng tamang pagsusuri, wastong medikasyon, at kaukulang pangangalaga.
Sa ngayon, wala pang naitatalang kaso ng Mpox sa lalawigan ng Pangasinan, ngunit patuloy ang paalala ng DOH sa lahat na maging mapagmatyag at sumunod sa mga payo ng kalusugan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments