DOH, suportado si Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar

38

Ikinalugod ng Department of Health (DOH) ang pagkakahirang kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar ng bansa.

Sa statement, sinabi ng DOH na suportado nila ang pagkakatalaga kay Galvez at handa silang makipagtulungan sa kanya para sa paglulunsad ng ligtas at mabisang bakuna laban sa COVID-19.


Nais ding tiyakin ng DOH na ang bakuna ay accessible sa lahat ng Pilipino.

Ang bagong tungkulin ni Galvez ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet Meeting nitong Lunes, November 2.

Facebook Comments