DOH, target makumpleto ang rollout ng AstraZeneca vaccines sa loob ng 5 hanggang 4 na araw

59

Sinisilip ng Department of Health (DOH) na makumpleto ang rollout ng AstraZeneca vaccines sa iba’t ibang ospital sa loob ng apat hanggang limang araw.

Pagtitiyak ni Health Secretary Fransisco Duque III na patuloy ang distribution ng 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines na mula sa COVAX Facility.


Kaugnay nito, sinabi ni Duque na balak niyang magpabakuna sa kalagitnaan ng buwan.

Pero iginiit niya na health workers pa rin nag prayoridad ng ahensya lalo na ang mga humahawak ng COVID-19 patients.

Handa siyang magpabakuna ng AstraZeneca vaccines dahil maaari itong gamitin sa mga senior citizens kagaya niya.

Facebook Comments