DOH, tiniyak na matatanggap ng mga health workers ang kanilang benepisyo sa lalong madaling panahon

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na matatanggap sa lalong madaling panahon ng mga health workers ang kanilang allowances para sa kanilang pagkain, transportasyon at accommodation.

Matatandaang umapela ang Alliance of Health Workers (AHW) sa DOH na agad ilabas ang kanilang benepisyo.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, buo ang kanilang suporta sa mga health workers at hindi nila pinababayaan ang mga ito.


Tinutugunan na aniya ni Health Undersecretary Leopoldo Vega ang kanilang hinaing.

Una nang humingi ng pang-unawa ang DOH sa medical frontliners habang naghahanap sila ng pondo para sa kanilang allowances.

Facebook Comments