DOH, tiniyak na sasagutin ng gobyerno ang pagpapagamot ng mga indibidwal na magkakaroon ng adverse effects sa COVID vaccine

66

Sasagutin ng pamahalaan ang pagpapagamot ng sinumang makararanas ng adverse reactions pagkatapos maturukan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bubuo ng National Adverse Effect Following Immunization Committee na magmo-monitor sa posibleng adverse effects ng COVID-19 vaccination.


Dagdag pa ni Vergeire, ang mga COVID-19 vaccines na dumaan sa mahigpit na evaluation ng Philippine Health regulators ang bibilhin ng pamahalaan.

Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng ahensya para sa COVID-19 immunization program.

Facebook Comments