DOH, walang naitalang adverse events sa mga naturukan ng COVID-19 booster shots

41

Walang naitalang adverse events ang Department of Health (DOH) sa mga naturukan ng COVID-19 booster shots.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III ngayong nag-umpisa na ang pagbibigay ng booster doses sa A1 hanggang A3 priority group.

Sa kabila nito, nanindigan ang kalihim na mas prayoridad pa rin ng pamahalaan na mabakunahan ang mga unvaccinated individuals kaysa sa pagpapalawig pa ng mga mabibigyan ng booster shots.


Una nang ipinaliwanag ng DOH na ibinibigay lamang ang booster shots kapag bumababa na ang immunity ng isang nabakunahang indibidwal.

Facebook Comments