DOH, walang naitalang bagong namatay sa bansa sa COVID-19

39

Walang naitala ngayong araw ang Department of Health (DOH) na bagong binawian ng buhay sa bansa sa COVID-19.

2,330 naman ang bagong gumaling habang 6,845 naman ang bagong kaso.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,537,097 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay tumaas pa sa 55,069 habang ang total recoveries ay 1,455,137.

Ang total deaths naman ay 26,891.

Facebook Comments