DOH, walang planong isara ang NKTI kahit na puno na ng mga pasyente

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi isasara sa publiko ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) kahit punuan na ng pasyente ang pagamutan.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gumagawa na sila ng paraan upang hanapan ng malilipatan na ospital ang mga pasyente na hindi naman kailangan ng emergency service.

Inatasan na ni Vergeire ang Tala Hospital sa Caloocan City, E. Rodriguez Hospital sa Marikina City, at East Avenue Medical Center sa Quezon City para tanggapin ang mga pasyente na manggagaling sa NKTI.


Facebook Comments