DOJ, blangko pa sa paglilipatan ng kulungan ng Degamo murder suspects

Blangko pa ang Department of Justice (DOJ) kung saan ililipat ng kulungan ang mga suspek sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, hinihintay pa nila ang desisyon ng hukuman.

Sa ngayon kasi ay naka-detain sa National Bureau of Investigation (NBI) Custodial Center sa Taft Avenue, Maynila ang 11 suspek.


Ang naturang gusali ay nakatakdang gibain dahil hindi na ito ligtas gamitin.

Facebook Comments