Saturday, June 13, 2026

DOJ, bumuo ng special panel of prosecutors para magsagawa ng komprehensibong case build up sa shooting incident sa Senado

Bumuo na ng special panel of prosecutors ang Department of Justice (DOJ) para magsagawa ng komprehensibong case build-up at imbestigasyon sa naganap na shooting incident sa Senado.

Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, bibigyan ng mga kapangyarihan ang special panel upang makapagsagawa ng patas at malalimang imbestigasyon, gaya ng kapangyarihang mag-isyu ng subpoenas.

Inaatasan din ng DOJ ang Philippine National Police (PNP) Pasay, ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) at National Bureau of Investigation (NBI) na ipreserba ang mga ebidensya at isumite sa loob ng 48 na oras.

Partikular na ipinapa-secured ay ang mga ballistic report, incident reports, communication logs at mga forensic evidence.

Magre-request din ang DOJ sa Office of the Sgt-at-Arms na isumite ang kanilang report.

Nanawagan naman si Vida sa mga nakasaksi, gaya ng media na ibahagi ang hawak nilang picture o video footage na maaring makatulong sa imbestigasyon sa nagyaring putukan sa Senado.

Facebook Comments