DOJ, handa nang resolbahin ang kaso laban kay Julian Ongpin

40

Handa nang resolbahin ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong posession of illegal drugs na isinampa kay Julian Ongpin kasabay ng pagwawakas ng preliminary imbestigation nito.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Honey Rose Delgado, tagapagsalita ng Office of the Prosecutor General (OPG) ng DOJ, walang bagong isyu ang itinaas ng parehong partido kaya isinumite na ang kaso para sa resolusyon.


Nagpakita si Ongpin kasama ng kaniyang mga abogado sa isinagawang panel ngayong araw para sa pagsusumite ng counter-affidavit.

Matatandaang itinuturong person of interest si Ongpin sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson sa San Juan, La Union makatapos makarekober ng 12.6 grams ng cocaine nitong Setyembre 17.

Facebook Comments