DOJ, handang proteksyunan si BuCor Chief Gerald Bantag sa harap ng pag-hunting sa kanya ng drug cartels

Handa ang Dept of Justice na bigyan ng proteksyon si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.

 

Kaugnay ito ng report na nasa top hit list ng drug cartels sina bantag at PNP Lt. Gen. Guillermo Eleazar kaugnay ng kanilang mahigpit na kampanya kontra sa iligal na droga.

 

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra,  sa sandaling pormal dumulog sa kanya si Bantag, agad niyang hihilingin sa nbi at dilg na bigyan ng ayuda ang BuCor chief.


 

Una nang napaulat na galit na galit kina Bantag at Eleazar ang mga drug cartel matapos ang pagsira sa mga kubol sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

 

Ang naturang mga kubol daw kasi ang comfort zone at sentro ng operasyon ng big-time drug lords sa bansa kung saan sinasabing kasabwat nila ang mga tiwaling prison officials.

Facebook Comments