DOJ, hindi muna mangingialam sa Recto Bank incident

27

Hindi muna mangingialam ang Department of Justice (DOJ) sa usapin ukol sa insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – hindi pa lumalabas ang pinagsama-samang imbestigasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG).


Kaugnay nito, umaasa si Guevarra na tutulong ang Chinese government sa imbestigasyon upang malaman na rin ang totoong nangyari.

Tiniyak ng DOJ na handa nilang gawin ang anumang imbestigasyon sa oras na lumabas ang resulta ng imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers