DOJ, hiniling na isama ang Persons Deprived of Liberty sa mga babakunahan sa national vaccination drive

Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) sa National Task Force Against COVID-19 na isama ang Persons Deprived of Liberty o PDLS sa babakunahan sa gagawing 3 day national vaccination drive mula november 29 hanggang December 1.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kinakailangan ding maprotektahan ang PDLs mula sa banta ng virus lalo na’t karamihan sa mga kulungan ay siksikan.

Aniya, pagkakataon na rin ito lalo na’t milyon-milyong doses ng COVID-19 vaccines ang gagamitin sa vaccination drive.


Una nang inihayag ng NTF na nasa 15 million indibidwal ang kanilang target na mabakunahan sa loob nang tatlong araw upang mas mapabilis ang pag-abot sa herd immunity mula sa COVID-19.

Facebook Comments