DOJ, inalok si Ralph Trangia na isailalim sa Witness Protection Program

33

Manila, Philippines – Inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na inalok nila si Aegis Juris Fraternity member Ralph Trangia at pamilya nito na sumailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Aniya, hinihikayat niya si Trangia na makipagtulungan sa otoridad at ibunyag ang nalalaman sa pagkamatay ni UST law student Horacio Castillo III.

Dahil nag-aaral aniya ng abogasiya si Trangia, tama lang na makipagtulungan ito alang-alang sa hustisya.

Umaasa naman ang kalihim na may magandang hangarin si Trangia sa pagbabalik nito sa bansa at ito ay magsasabi ng katotohanan.

Samantala, muli namang nanawagan si Aguirre sa iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na lumutang na at ibunyag ang kanilang nalalaman.

Facebook Comments