
Dumating sa Office of the Ombudsman kaninang tanghali sina Justice Acting Secretary Frederick Vida at Prosecuter General Richard Fadullon upang i-turn-over sa opisina ang mga kasong may kinalaman sa maanomalyang flood control project sa Bulacan.
Kabilang na rito ang mga isinampang kaso laban kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, Asisstant District Engineer Brice Hernandez, Engineer Jaypee Mendoza, at mga sangkot na kontratista.
Ayon kay Fadullon, na ang mga isinumiteng dokumento sa Ombudsman ay mula sa referral ng mga investigation reports ng National Bureau of Investigation (NBI) at Deputy Imbestigators and Prosecutors System (DIPS).
Para naman kay Ombudsman Remulla, simula pa lang ito ng kanilang hakbang sa pag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects at madaragdagan pa ang mga ito sa mga susunod na araw.









