DOJ, kontra na alisan ng scholarship ang mga iskolar ng bayan na nagra-rally laban sa gobyerno

58

Manila, Philippines – Hindi kumporme si Justice Sec. Menardo Guevarra na tanggalan ng scholarship sa state universities at colleges ang mga iskolar ng bayan na lumalahok sa mga rally kontra gobyerno.

Ayon kay Guevarra, malalabag nito ang constitutional right to freedom of speech and expression ng mga kabataan.

Dapat din aniyang maging proud tayo dahil may mga kabataan na aware sa mga nangyayari sa bansa.

Una na ring umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ang naturang panukala ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Facebook Comments