DOJ, nagpasa na ng report hinggil review sa mga death cases sa ilalim ng War on Drugs

57

Nagsumite na ang Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng initial report hinggil sa review ng inter-agency panel sa death cases sa ilalim ng kampanya kontra ilegal na droga.

Tumanggi si Justice Secretary Menardo Guevarra na idetalye ang nilalaman ng initial report.


Pagtitiyak naman ni Guevarra na gagawin ang full report kasama ang findings mula sa Commission on Human Rights (CHR).

Sa 44th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) noong June 30, iniulat ni Guevarra na bumuo ang Pilipinas ng inter-agency panel na magsasagawa ng review sa 5,655 anti-illegal drug operations.

Facebook Comments