DOJ, natapos na ang draft IRR ng Anti-Terrorism Law

68

Natapos na ng Department of Justice (DOJ) ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nakabuo na sila ng draft na isusumite sa Anti-Terrorism Council (ATC).

Sinabi ni Guevarra na nakasaad sa batas na binibigyan ang DOJ at ATC ng hanggang 90 araw para makabuo ng IRR.

Nakatanggap din sila ng inputs mula sa law enforcement agencies.

Maingat ding binuo ang IRR lalo na at nasa higit 30 petisyon ang inihain sa Korte Suprema na kumukuwestyon sa legalidad ng batas.

Facebook Comments