DOJ, nilinaw na wala pang hold departure order laban kay Pastor Apollo Quiboloy

79

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala pa silang inilalabas na hold departure order (HDO) laban kay Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ, the Name Above Every Name (KJC).

Ito ay kaugnay sa isinampang kasong sex trafficking ng US prosecutor laban kay Quiboloy at sa ilan nitong kasamahan sa KJC.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, walang nakabinbin na HDO laban kay Quiboloy dahil wala naman itong naka-pending na mga kaso sa mga korte sa bansa.


Aniya, naharap noon sa reklamong rape si Quiboloy sa Davao City noong 2020 pero ito ay na-dismissed na.

Sinabi rin ni Guevarra na wala silang natatanggap na request kaugnay ng extradition kay Quiboloy mula sa Amerika.

Facebook Comments