DOJ Panel, magpi-prisinta ng isa pang testigo sa susunod na pagdinig sa drug case ni Sen. De Lima

652

Si Nonilo Arile ang ihaharap ng DOJ Panel sa susunod na pagdinig ng Muntinlupa RTC sa drug case ni Sen Leila De Lima

Itinakda ang susunod na hearing sa June 14.


Una nang iniharap ng DOJ panel of prosecutors limang mga testigo.

Kabilang dito si Rafael Marcos Ragos ng NBI kung saan kinumpirma nito ang kanyang pagdedeliver noon ng drug money kay De Lima at driver-bodyguard nitong si Ronnie Dayan bilang parte raw sa drug operation ni Peter Co.

Ipagpapatuloy din ni Ragos ang kanyang pagtestigo laban kay De Lima sa June 14.

Magtetestigo rin laban kay De Lima ang isa pang high profile inmate mula sa New Bilibid Prisons na si Hans Anton Tan.

Facebook Comments

From Advertisers