DOJ, pormal nang bumuo ng panel na hahawak sa imbestigasyon sa ninja cops

Pormal nang bumuo si Justice Secretary Menardo Guevarra ng three-member panel of prosecutors na muling mag-iimbestiga sa tinaguriang ninja cops.

 

Ang naturang panel ay binigyang ni Guevarra ng tatlumpung araw para kumpletuhin ang kanilang imbestigasyon sa reklamong inihain ng PNP CIDG.

 

Partikular ang preliminary investigation sa kaso ni Police Major Rodney Baloyo at mga tauhan nito na sangkot sa kontrobersyal na drug raid sa Pampanga noong 2013.


 

Ito ay makaraang lumutang sa Senate hearing ang mga bagong ebidensya kaugnay sa tinaguriang mga Ninja Cops kung saan 200 kilos ang nakumpiskang shabu pero 38 kilos lang daw ang idineklara ng grupo ni Baloyo.

Facebook Comments