DOJ, posibleng pagbigyan ang hirit ni pork barrel queen Janet Napoles na mailipat ng kulungan

110

Manila, Philippines – Posibleng pagbigyan ng Department of Justice ang hiling ni Pork Barrel Scam Queen Janet Napoles na mailipat siya ng piitan.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, matapos ang pulong nila ng abugado ni Napoles na si Atty. Stephen David, nabatid niya kung gaano katindi ang banta sa buhay nito.


Katunayan, halos araw-araw nakakatanggap ng death threat si Napoles ayon na rin kay David.

Paliwanag pa ng Kalihim, hindi pa naman convicted si Napoles kaya dapat na itong alisin sa pasilidad ng Bureau of Corrections.

Matatandaang April 2015 nang makulong si Napoles sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong matapos itong ma-convict sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy.

Kamakailan inabswelto ng Court of Appeals si Napoles pero nananatili itong nakakulong dahil sa kinakaharap na plunder at graft cases kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund ng ilang mambabatas.




DZXL558

Facebook Comments