DOJ Sec. Remulla, hindi naniniwalang patay na si dating BuCor Supt. Ricardo Zulueta

136

Hindi kumbinsido si Justice Sec. Crispin Remulla sa ulat na patay na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Supt. Ricardo Zulueta.

Ayon kay Remulla, nasa Pilipinas lamang sina Zulueta at suspended BuCor Chief Gerald Bantag na kapwa sangkot sa Percy Lapid killing.

Sinabi ni Remulla na noong nakaraang linggo lamang ay nakatanggap siya ng report hinggil sa kinaroroonan ni Zulueta sa Pilipinas.


Samantala, personal na nagtungo kanina sa Department of Justice (DOJ) si Atty. Rocky Tomas Balisong, abogado ni Bantag, para personal na kunin ang subpoena para sa kaniyang kliyente.

Idinagdag naman si Remulla na duda siya na isang backhoe lamang ang ginamit ni Bantag sa natuklasang hukay sa New Bilibid Prisons.

Hindi naman makumpirma ng kalihin ang report na ang mga lupang nahukay ni Bantag ay dinala sa Caloocan City gamit ang truck ng BuCor.



Facebook Comments