DOJ, umaasang malalaman sa ikalawang autopsy ang dahilan ng kamatayan ni Dacera

301

Umaasa ang Department of Justice (DOJ) malalaman sa isasagawang ikalawang autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Si Dacera ay natagpuang patay sa bathtub sa isang hotel sa Makati noong January 1.


Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, bagama’t mahirap na trabaho para sa NBI investigators ang second autopsy, umaasa sila na madidiskubre ang dahilan ng kamatayan ng biktima.

Aniya, magiging mahirap sa mga imbestigador dahil naembalsamo na ang labi ng biktima pero mayroon silang teknolohiya para malaman kung mayroong illegal substance o excess alcohol sa katawan ng biktima.

Nagtungo na ang NBI personnel sa General Santos City para kunin ang tissue samples mula sa labi ni Dacera.

Nabatid na iginiit ng pamilya ni Dacera na pinainom ng droga at ginahasa ang biktima.




Pero iginiit naman ng mga kaibigan ng flight attendant na hindi hinalay at pinatay ang biktima.

Facebook Comments