Doktor na mahilig makipag-sex, tinangkang putulan ng ari ng kanyang girlfriend

86

Laguna, Philippines – Sugatan ang isang doktor matapos tangkain ang kanyang kinakasama na putulan siya ng ari sa Kalayaan, Laguna.

Kwento ng itatago sa pangalang ‘Bernadette’, hayok sa pakikipagtalik ang kanyang kinakasama na itatago sa pangalang ‘Roberto’.

Balak na niya sampahan ng kaso laban sa kinakasama.

Ayon kay Kalayaan, Laguna Police Sr/Insp. Laurence Abowac – nagtatalik lamang sila nang kumuha ito ng kutsilyo at sinaksak ito sa ari ng kanyang kinakasama.

Agad na itinakbo sa ospital ang doktor habang inaresto naman si Bernadette.

Giit naman ni Bernadette – dapat si Roberto ang hulihin dahil isa itong sex addict at pabaya pang ama.

Sa record ng Kalayaan Laguna Police, suki na sa presinto ang doktor at kanyang kinakasama dahil lagi silang nag-aaway.

Nahaharap sa kasong physical injury si Maria habang nagpapagaling sa ospital ang doktor.
DZXL558

Facebook Comments