Doktor na sangkot sa pagpatay sa retired Court of Appeals justice, kinasuhan na ng DOJ

399

Kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng murder ang isang doktor na sangkot sa pagpatay kay retired Court of Appeals (CA) Associate Justice Normandie Bringas Pizarro.

Ayon sa CA, nakitaan nila ng probable cause ang reklamo laban kay Dr. Ramon Tayag Pangan.

Lumalabas din anilang iniligaw ni Pangan si Justice Pizarro kung saan nagboluntaryo itong ipagmaneho ang mahistrado at kalaunan ay dinala pala sa lugar kung saan ito papatayin noong October 23, 2020.


Ang labi ni Justice Pizarro ay natagpuan sa Capas, Tarlac dalawang buwan matapos itong mawala.

Siya ay natagpuang may tama ng bala sa ulo.

Facebook Comments