Doktor, patay; labing lima, sugatan sa aksidente sa Tagum City, Davao Del Norte

Davao Del Norte, Philippines – Patay ang isang doktor habang labing lima ang sugatan sa aksidente sa Tagum City, Davao Del Norte.

Nabatid na nag-overshoot ang sinasakyang van ng mga biktima na papunta sana sa Davao Regional Hospital matapos itong mag-overtake sa iba pang mga sasakyan sa Barangay Conocotan, Tagum City.

Dead on the spot ang doktor na si Dra. Brigida Claro, head ng internal medicine ng Baguio General Hospital and medical center at taga-Nangalisan, Tuba, Benguet.


Sugatan naman ang tatlo pang mga doktor at 12 nurses kung saan, isa sa mga ito ang nasa kritikal na kalagayan sa medical mission group hospital.

Napag-alamang nasa Davao ang nasabing medical team upang magsagawa sana ng medical mission.

Facebook Comments