DOLE, aminadong hindi marami ang job opportunities ngayong pandemya

53

Aminado ang Department of Labor and Employment (DOLE) na nakaapekto ang COVID-19 pandemic sa paglikha ng mga trabaho.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, hindi marami ang alok na job opportunities ngayon sa labor market dahil sa pandemya.

Karamihan aniya sa mga available na trabaho ay mula sa Information and Communication Technology (ICT) sector.

Tiwala rin si Tutay na uusbong ang maraming trabaho sa contruction sector dahil sa Build Build Build Program.

Umaasa ang DOLE na kapag bumalik sa normal ang sitwasyon ay dadami muli ang mga oportunidad para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ngayong krisis.

Facebook Comments