DOLE, bukas sa pagbibigay ng soft loan sa mga employer na gagamitin sa pagbibigay ng 13th month pay

94

Handa ang pamahalaan na magbigay ng soft loan sa mga employer para sa 13th month pay ng mga manggagawa sa bansa.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, maraming employer ang mahihirapang makapagbigay ngn 13th month pay sa kanilang mga empleyado dahil sa epekto ng pandemya.


Aniya, naka-usap na nila ang Department of Trade and industry (DTI) Employers Confederation Of The Philippines (ECOP) hinggil dito.

Base sa Labor Law, dapat maipamahagi ang 13th month pay ng mga empleyado bago ang December 24, 2021.

“Baka mabigyan ng soft loan ang ating mga employers para sa ganoon ay magampanan nila, they can fulfill their obligation under the law and that is to pay the 13th month pay of all their employees on or before December 24 of this year. ani Bello

Facebook Comments