DOLE–EC funds para sa benepisyo ng mga manggagawa, tiniyak na mananatiling available

45

Nilinaw ni Employees’ Compensation Commission (ECC) Executive Director Stella Zipagan-Banawis na mananatiling available ang EC funds para sa cash assistance ng lahat ng mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor.

Ayon kay Banawis, mayroong P50 milyong budget na inilaan sa ilalim ng Employees’ Compensation Program (EC Program).


Inihayag din ni Banawis na mananatiling pa ring magagamit ang Social Security System (SSS) para sa pribadong sector at Government Service Insurance System (GSIS) para naman sa public sector.

Aniya, ang lahat ng private at public sector workers o mga empleyadong nakakaranas ngayon ng related sickness, injury at iba pa bunsod ng Coronavirus Disease ay maaaring makakuha ng kanilang benepisyo sa pamamagitan ng pagkuha sa kanilang mga SSS o GSIS.

Facebook Comments