DOLE, handang magbigay ng cash aid sa mga empleyadong apektado ng paglalagay sa Alert Level 3 sa Metro Manila

576

Nakahandang magbigay ng tulong ang Department of Labor and Employment para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho matapos ilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring makatanggap ng one-time cash aid na P5,000 ang mga kwalipikadong empleyado sa pamamgaitan ng COVID-19 adjustment measures program.

Aniya, ang employers ang magbibigay ng cash assistance sa mga empleyado at sila na rin ang mag-aapply sa DOLE.


Samantala, tutulungan din ng DOLE ang informal workers sa ilalim ng emergency employment o cash for work program.

Facebook Comments