DOLE, hinimok na makipagtulungan sa DFA para alamin ang brand ng bakunang required iturok sa mga OFW

50

Dapat na alamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang brand ng bakunang dapat iturok sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) depende sa pupuntahan nilang bansa.

Kasunod ito ng ipinapatupad na patakaran sa ibang bansa gaya sa Saudi Arabia kung saan kinakailangan pang dumaan sa quarantine ang mga OFW na naturukan ng Sinovac vaccines.


Ayon kay Senator Francis Tolentino, hindi pwedeng magreklamo ang Pilipinas dahil host country ang nasusunod sa ibang mga patakaran gaya sa pagbabakuna.

Umaasa naman ang senador na mababago ang polisiya ng ibang bansa matapos na maglabas ng Emergency Use List (EUL) ang World Health Organization (WHO) kung saan kinikilala na nito ang Sinovac vaccine.

Facebook Comments