DOLE, iimbestigahan na rin ang nangyaring aksidente sa isang Tourist Bus na ikinasawi ng 15 na estudyante sa Tanay Rizal

19

MANILA, PHILIPPINES – Maging ang Department of Labor and Employment ay iimbestigahan na rin ang nangyaring aksidente sa isang tourist bus sa tanay, rizal na ikinasawi ng 15 katao.

 

Ayon kay labor Sec. Silvestre Bello III – inatasan niya na si DOLE Regional Office 4-A Director Zenaida Campita, na nakasasakop sa lalawigan, na imbestigahan ang insidente upang matukoy kung ano ang pananagutan ng Panda Coach Tourist and Transport Inc.

 

Nais ni Bello na alamin ng DOLE kung nasunod ang occupational safety and health standards ng kompanya na nagmamay-ari sa bus na nabundol sa isang poste.

 

Kasabay nito, tiniyak ni Bello sa mga naulila na gagawin ng kagawaran ang kanilang tungkulin para sa mga biktima ng trahedya.


 

Facebook Comments