DOLE, inirekomenda na ang pagsama sa COVID-19 bilang health hazard

52

Kinumpirma ng Occupational Safety Health Center (OHSC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inirekomenda na nila ang COVID-19 bilang health hazard sa mga work place o lugar ng trabaho.

Sinabi ni DOLE-Occupational Safety Health Center Executive Director Noel Binag na nagbigay na sila ng kanilang ginawang pag-aaral sa Employees Compensation Commission (ECC) para kilalanin ang COVID-19 bilang health hazard.


Pero nilinaw ni Binag na may kaukulang kwalipikasyon para maideklara na isang work-related disease ang COVID-19.

Kabilang sa titingnan ang nature at exposure sa maraming tao ng isang manggagawa na maituturing na high risk sa sakit.

Nilinaw naman ni Binag na pili lang o selected lang ang maka-qualify rito.

Facebook Comments