DOLE, maglalabas ng guidelines sa pagbubukas ng mga sinehan

48

Maglalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng guidelines sa pagbubukas ng mga sinehan sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kumonsulta na ang DOLE sa mga eksperto para alamin ang mga requirements para sa ventilation lalo na sa enclosed spaces para maiwasan ang hawaan.


Pero nilinaw ni Vergeire na ang kasalukuyang guidelines ng DOH sa minimum health standards ay mananatili.

Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na ipinagpaliban sa susunod na buwan ang pagbubukas ng mga sinehan dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments