DOLE, nagdadalamhati sa pagkasawi ng isang opisyal nito dahil sa COVID-19

Ikinalungkot ngayon ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkasawi ng isa nilang opisyal.

Sa pahayag ni Secretary Silvestre Bello III, pumanaw na si Labor Undersecretary Joji Aragon, 58-anyos matapos ma-cardiac arrest dahil sa COVID-19.

Ayon kay Bello, halos isang buwan din nanatili sa Fatima Hospital sa Antipolo si Usec. Aragon kung saan noong ikalawang linggo ng Disyembre ng malaman na nahawaan ito ng virus.


Ikinalungkot ng kalihim ang pagkawala ni Usec. Aragon dahil isa ito sa magpakakatiwalaan at maaasahan pagdating sa trabaho.

Napag-alaman na si Usec. Aragon ang head advocacy/productivity/legislative cluster ng DOLE.

Sa ngayon, inaaayos na lamang ang proseso ng cremation ng labi ni Usec. Aragon habang nagpaabot na rin ng pakikiramay si Bello sa pamilya nito.

Facebook Comments