DOLE, nagpaalala sa mga kumpanya sa pagbibigay ng 13th Month Pay

Nagpaalala ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya sa pirbadong sektor hinggil sa pagbibigay ng 13th Month Pay sa mga manggagawa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, mayroon lamang hanggang December 24 ang mga kumpanya na ibigay ang Cash Benefit.

Nakasaad aniya sa batas ang pagbibigay nito kahit kumikita ang kumpanya o hindi.


Hindi pwedeng ibigay ang 13th Month Pay ng “in kind” at kailangang matatanggap ito ng mga empleyado ng cash.

Babala ng DOLE, posibleng makasuhan ang mga kumpanyang mabibigong magbigay nito.

Facebook Comments