DOLE, nanawagang ibaba na ang quarantine status sa NCR Plus Bubble

256

Imumungkahi ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibaba na ang quarantine status sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kung palalawigin pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay maaring madagdagan pa ang mga mawawalan ng trabaho.


Batay sa pagtataya ng DOLE, nasa mahigit 8,300 manggagawa ang naapektuhan ang trabaho sa National Capital Region Plus Bubble noong unang linggo ng ECQ.

Sa ngayon ay nagbibigay na ang DOLE ng P5,000 na cash assistance sa mga nawalan ng trabaho.

Facebook Comments