DOLE, nilinaw na hindi nila “kinakalakal” ang mga healthcare workers para sa bakuna

38

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala siyang intensyong ‘ikalakal’ ang Filipino healthcare workers kapalit ng COVID-19 vaccines.

Matatandaang nakiusap si Labor Secretary Silvestre Bello III sa United Kingdom at Germany na magbigay ng 600,000 COVID-19 vaccines sa Pilipinas kapalit ng pagpapadala ng nurses at healthcare workers.


Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, hindi nila itinuturing ang mga Pilipinong nurses bilang “commodity” o materyales na pam-‘barter’.

Aniya, ‘taken out of context’ ang proposal.

Batid nila na kumalat ang mga ulat hinggil sa “nurses-for-vaccines trade” mula sa kanilang virtual press briefing noong Lunes.

Ang UK ay nangangailangan ng Filipino nurses at healthcare workers kaya ang nais ni Sec. Bello na mabakunahan ang mga health workers bago sila ipadala sa ibang bansa.



Facebook Comments