DOLE, nilinaw na temporary suspension lamang ang ipapatupad sa Israel at hindi total ban

36

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tanging temporary suspension lamang ang kanilang ipinatupad para sa deployment ng mga Overseas Filipinos Workers (OFWs) sa Israel.

Sa gitna ito ng patuloy sa tensyon sa nasabing bansa kung saan aabot sa 30,000 mga manggagawang Pinoy ang nananatili doon.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magpapatuloy pa rin ang pagproseso sa mga papeles ng mga gustong magtungo sa Israel.

Ipinaliwanag naman ni Bello ang pinagkaiba ng Deployment at Temporary suspension kung saan kasama rito pagpigil sa pagpapadala ng mga Pinoy sa nasabing bansa.

Facebook Comments