DOLE, sisilipin kung tumatalima ang Skyway sa labor standards

54

Aalamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung nasusunod ba ng Skyway project ang labor standards.

Ito ay kasunod ng aksidente sa Metro Manila Skyway Stage 3 project sa Muntinlupa noong Sabado kung saan isa ang patay habang apat ang nasugatan.


Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ipinag-utos na niya ang inspeksyon para malaman kung nasusunod ang occupational safety and health standards.

Kapag lumabas na hindi sumusunod ang Skyway, maaari magkaroon ng pananagutan.

Sinabi rin ng kalihim na maaari ring maglabas ng work stoppage order kung kinakailangan.

Hinihintay lamang nila ang report mula sa kanilang field personnel.




Una nang naglabas ng apology ang San Miguel Corporation, head ng Skyway concession holder sa mga biktima at tiniyak na ibibigay sa mga ito ang pangangailangan nila.

Facebook Comments