DOLE, tiniyak na tutulungan ang pamilya ng mga OFW na namatay sa gas explosion sa UAE

Makakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan ang pamilya ng dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa gas explosion sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).

Kabilang sa mga nasawi ay si Clark Bacud Gasis, 39-anyos ay isang electrical draftsman mula Surigao del Sur at si Merriner Goc-ong Bertoces, 26-anyos na empleyado ng isang fastfood chain sa Abu Dhabi na tubong Negros Oriental.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pamilya ng mga biktima ay makatatanggap ng tig-120,000 pesos bereavement assistance mula sa gobyerno.


Bukod dito, makatatanggap din sila ng insurance benefits kung sila ay qualified members ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa report ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Abu Dhabi na nasa 10 Pilipino na kinabibilangan ng dalawang bata ang nadamay sa aksidente.

Walo ang nasugatan kung saan ang anim ay idinala sa Sheik Khalifa Medical Center.

Facebook Comments