DOLE, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa pag-atake sa planta sa Saudi Arabia

186

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring pag-atake sa processing plants sa Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, base sa report mula sa mga labor officials sa Saudi ay walang naitalang Filipino casualties.


Ang mga Pilipino at iba pang manggagawa sa state-Run Oil Giant Saudi Aramco ay nakalikas agad kasunod ng pag-atake.

Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at handang ipatupad ang contigency plans kung kinakailangan.

Sa datos ng DOLE, nasa 287 OFW ang nasa Riyadh Shelter,  122 ang nakatakdang i-repatriate sa September 22.

Facebook Comments

From Advertisers