DOLE, tiwalang maisasabatas ang panukalang security of tenure

Umaasa si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na magiging batas ang security of tenure bill.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan pa lamang niya ang panukala.

Ayon kay Bello – mainam na hintayin ang desisyon ng Pangulo pero tiwala siyang maisasabatas ito lalo at certified administration bill ito.


Sa ilalim ng panukalang batas, ipinagbabawal ang lahat ng illegal employment schemes at subcontracting.

Ang congress-approved bill na ipinasa sa Malacañan ay magla-lapse into law sa loob ng 30 araw kapag walang ginawang hakbang ang Pangulo.

Facebook Comments