Dolomite beach sa Manila Bay, muling binuksan sa publiko

Muling binuksan sa publiko ang man-made dolomite beach sa Manila Bay kasabay ng pagsasailalim sa Alert Level 3 ng Metro Manila.

Makikita sa lugar ang presensya ng mga pulis para matiyak na sumusunod ang mga tao sa minimum health protocols.

Tanging 300 hanggang 500 indibidwal lang ang pinapayagan makapasok sa dolomite beach kada oras.


Bagama’t hindi kailangang bakunado, kailangang namang nakasuot ng face masks at face shields ang mga pumapasok dito.

Ang dolomite beach ay bukas alas-8:00 ng umaga hangganga alas-6:00 ng gabi.

Facebook Comments