Domestic flights, nagsimula nang dumagsa sa bagong Bicol International Airport

Nagsimula nang lumapag sa bagong Bicol International Airport ang domestic flights ng local air carriers sa bansa.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ay nakapaghatid na ng mga pasahero ang Philippine Airlines at Cebu Pacific sa naturang bagong international airport sa Daraga, Albay.

Bukod pa ito sa Legaspi Domestic Airport sa nasabing lalawigan.


Inaasahan na rin ang direktang paglapag sa Bicol International Airport ng ilang international flights mula sa iba’t ibang bansa.

2 million na mga pasahero ang inaasahang maa-accomodate kada taon sa nasabing bagong paliparan sa Albay.

Facebook Comments