Don Felipe Pestaño o mas kilala bilang Tatay Pepe ng Phillip’s Sanctuary, pumanaw sa edad na 80

112

Ang DZXL 558-RMN Manila ay nagdadalamhati ngayon sa pagpanaw ng itinuturing naming ka-pamilya, ang aming tatay-tatayan na si Don Felipe “Pepe” Pestaño o mas kilala bilang Tatay Pepe.

Si Tatay Pepe ay sumakabilang buhay noong Linggo, August 30, 2020 pasado alas-diyes ng gabi sa edad na 80.

Siya ang may-ari ng sikat na team building resort at eco-farm na Phillip’s Sanctuary na matatagpuan sa Antipolo, Rizal.

Ipinangalan ito ni Tatay Pepe sa kanyang yumaong anak na si Philippine Navy Ensign Philip Pestaño, na pinaslang noong 1995 ng kanyang mga kasamahan habang nasa barko.

Ilang taon din kasa-kasama ng DZXL 558 si Tatay Pepe matapos niyang malugod at buong pusong tinanggap ang DZXL family sa kanilang santuwaryo.

Muli ang DZXL 558-RMN Manila ay lubos na nakikiramay sa iniwang pamilya ni Tatay Pepe.

Paalam at hanggang sa muli Tatay Pepe!




Facebook Comments